At the end of the day, you need my brand of loving.
Isang milyong piso. Iyon ang makukuha ni Tata kung lalayuan niya ang boyfriend niyang si Agapito. Pero kaya ba niyang i-give up ang super-bait, super-lambing, super thoughtful, super loving, at lahat ng super na binata? Isang mataginting na oo ang sagot.
Babaeng talipandas at mukhang pera, iyan ngayon ang tingin sa kanya ni Agapito. Isang milyon? Iyon lang ang halaga ko sa iyo? Premyo lamang iyon sa mga game shows!
At hindi raw siya patatawarin nito kahit kailan.