You want me to be celibate. `Tapos, hahara-hara ka sa bahay ko nang walang salawal?
Nanganganib na masira ang reputasyon ng kapatid at hindi matiis na makitang lumuluha ang iniibig pa ring hipag kaya pikit-matang tinanggap ni Octavio Ongpin ang isang misyon: Ligawan niya hanggang sa makaulayaw ang isang matronang uhaw sa pag-ibig.
Pero may iba palang balak ang matrona. Mas gusto raw nitong maging manugang siya.
Susmaryosep!
Sa presinto niya nakilala ang unica hija nitong si Romelda. Naka-detain ang dalaga dahil nagnakaw ng taxi! Pero hindi iyon ang dahilan ng susmaryosep.
Nuknukan ng ganda ang dilag na kawatan.