Umuwing luhaan si Freda sa probinsiya nila pagkatapos niyang mahuling nagtataksil ang kanyang pinakamamahal na boyfriend.
Bakit nagawa nito iyon sa kanya? Paano?
Pakiramdam niya ay hindi siya matatahimik hanggat hindi niya nasasagot ang mga tanong. Kaya pinakiusapan niya si Anciano na tulungan siya. He was gorgeous, he was nice, and he had a girlfriend. He was perfect for her plan.
Nagkasundo silang magkaroon ng relasyon na tatagal nang isang linggo para malaman niya kung ano ang nasa isip ng isang lalaking nagtataksil at ng other woman.
Can we extend this thing for another three weeks? tanong ni Anciano pagkalipas ng isang linggo.
Lagot!