I have fallen for you. The worse thing that could happen to someone in love is to not be loved by the object of his affection.
Matagal nang kilala ni Arianna si Enrique pero ni sa hinagap ay hindi niya pinangarap na ito ang lalaking aangkin sa kanya isang gabing nasa gipit siyang sitwasyon. Ang inasahan niya ay impiyerno, hindi langit, sa mga bisig nito. At nang iwan na niya ito, tila may iniwan din siyang parte ng kanyang puso na ito lamang ang makapagbabalik.
Hindi niya inaasahang ipahahanap pa siya nito. At nang muling magtagpo ang kanilang mga landas ay gusto nitong tuluyan siyang ariin. Gusto niyang lumaban at tumakas. Dahil masasaktan siya nang labis kung pagnanasa lang ang dahilan nito at hindi pag-ibig