"What we shared was something special. If you beg me to forget it, para mo na rin akong sinaksak sa dibdib."
Milya-milya mang karagatan ang nakapagitan, hindi binuwag ng sampung taon ang friendship nina Katri at Eman. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, muling nagkasama ang dalawa sa isang pagkakataong parehong sugatan ang puso nila.
Only this time, kapwa nila hindi inaasahan ang pagbabagong naganap sa isa't isa. Hindi na si Katri ang pandak at patpating dalagita noon, hindi na si Eman ang mataba at matangkad na binatilyo. At hindi na rin musmos ang puso ni Katri para hindi makilala ang umuusbong na pag-ibig...
Ngunit kailangang kimkimin ni Katri ang damdamin, dahil kung hindi, tiyak na mawawala si Eman sa kanya. Pinatigas niya ang dibdib kahit ibig nang malusaw ng mga tuhod niya sa maiinit nitong haplos; pinatatag niya ang puso laban sa mapanlupig nitong halik...
Whatever the cost, she couldn't afford to love him. Magkaibigan sila... hindi ba?