Hindi raw ground sa nullity of marriage ang PMS.
Bago raw mapawalang-bisa ang kanilang kasal, kailangang gumawa ni Solomon ng marital history. At buong puso nitong isinulat ang requirement para sa hinihinging petisyon.
Kaso, nang mabasa raw ng abogado, ibinalik. Kailangan daw i-revise. Kaya sumugod kay Sunny ang kanyang estranged husband. I-edit daw niya.
Pero hindi niya magawang basahin ang akda ni Solomon. Paano niya haharapin ang katotohanan na siya ang nagkulang, siya ang nagkamali dahil sa mga lihim ng kanyang kahapon. Mga lihim na ayaw magpatahimik sa kanya.