“I’ve tried so hard to ignore my affection towards you but I failed. It’s so hard, lalo pa’t gustong-gusto ko namang magpaapekto sa `yo.”
Charlie was Amber’s first love and the only man she loved. Naniniwala siyang ito ang itinadhana para sa kanya. Kahit lantarang sinabi nito sa kanya na hinding-hindi magkakagusto ito sa isang tulad niya ay hindi pa rin siya sumuko. Ganoon na lang ang panic niya nang makita niyang may kasama itong ibang babae. Hindi siya makapapayag na maagaw ito ng kahit sinong babae. So she came out with a plan. Pipikutin niya ito.
Nagtagumpay naman siya. Nagsama sila sa iisang bubong. Ipinangako niya sa sarili na mahuhulog ang loob nito sa kanya at masusuklian nito ang pagmamahal niya para dito. Dumating nga ang araw na nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Naging caring at sweet ito sa kanya. Nabuhayan siya ng pag-asa. Baka may gusto na rin ito sa kanya.
Ngunit nagkamali siya ng akala. Narinig niya mismo ang sinabi nito sa mga kaibigan nito tungkol sa kanya na pinakikisamahan lang daw siya nito?that she was just for fun.
Puwes, maghanda ito. Tingnan lang niya kung magiging “fun” pa rin ang tingin nito sa kanya pagkatapos niyang gawin ang plano niya.