May five and a half months ka sa piling ko, Misis. Kung ako ikaw, sasamantalahin ko na ang panahon bago matangay ng iba itong mister kong guwapo.
Nangangamba si Lolo Diego na maputol na ang lahing Cajilig, kaya naman sinuhulan nito ang kaisa- isang apong si Maximilian o Mack na mag-asawa na. Wala pang balak mag-asawa si Mack, ngunit baliw lamang ang tatanggi sa twenty million pesos at hindi iyon makakamit ni Mack kung ito ay binata. May solusyon naman sa dilemma nito: si Gidget Alisangco.
Matapos makumbinsi na maaari din silang maghiwalay ilang buwan pagkatapos ng kasal ay pumayag sa gusto ni Mack si Gidget. Excited pa siya dahil pinangakuan siya ni Mack ng ten percent sa lahat ng mamanahin nito pagkatapos ng kanilang charade.
Ngunit hindi pa man sila nakakasal ay bumaligtad na ang puso ni Gidget. Now she wanted Mack to be hersfor keeps.