Ang mapahamak ka, ang manganib ang buhay mo o ang mawala ka man lang sa paningin ko Para na akong pinapatay.
Nang magtanan ang boyfriend ni Jojo at ang kanyang best friend, naiwan siyang nag-iisa sa apartment nila. Saka dumating ang bago niyang landlordsi Paulino Ongat pinapaalis na siya roon dahil magpapatayo raw doon ang lalaki ng bagong apartment.
Sa harap ni Paulino ay napaluha si Jojo nang maalala ang dalawang taong mahal niya na nagtaksil sa kanya.
Miss, hindi mo naman kailangang umiyak. Kung iniisip mo ang tirahan, may bakanteng kuwarto sa bahay ko. Kung gusto mo, pansamantala ay doon ka muna tumira habang hindi ka pa nakakahanap ng malilipatan.
He was no doubt the most gorgeous man she had ever laid eyes on. Tall, dark, and handsome na tsinito.
Siyempre, sinunggaban niya ang alok ni Paulino.
Ang hindi niya napaghandaan ay ang isa pang alok nito makaraan ang ilang arawna hindi niya maintindihan kung dahil sa tama ng alak ay pinatulan niyana maging FBs sila, friends with benefits. No strings attached.
For the first time, feeling ni Jojo ay maganda siya at kaibig-ibig sa smooth na relasyon nila. Hanggang gusto na niyang humiwalay sa binata. In love na kasi siya kay Paulino.