Kapag totoong mahal mo ang isang tao, mahihirapan kang itago iyon. You will always feel the strong urge to say I love you."
Via was brokenhearted. Nangyari iyon nang malaman niyang in love sa ibang babae ang best friend niyang si Martin. She was secretly in love with her best friend, kaya hindi niya matanggap ang mga nalaman. Sa sobrang depression ay uminom siya at naglasing sa unang pagkakataon. Sa bar ay nakilala niya ang pinakapakialamero at epal na lalakisi PM. Pinakialaman siya nito sa pagpapakalasing niya. Akala niya ay doon na matatapos ang pakikialam nito sa buhay niya. Pero mukhang nagkamali yata siya ng akala, dahil nang muling nagkrus ang mga landas nila, nag-level up ang pagiging pakialamero nito. Pati ang lihim niyang damdamin kay Martin ay pinakialaman din nito. And before she knew it, pati ang nananahimik at nagpapagaling niyang puso ay napakialaman na rin ng lalaki. He amazingly fixed her broken heartnang hindi niya namamalayan.