“You can be very, very clumsy but I find that very, very sexy.”
Gustong magpa-impress ni Grel kay Jigo, ang lalaking minsang iniligtas niya at ngayon ay instant crush na niya. Pero tuwing nakikita at nakakaharap niya ito ay pulos kapalpakan ang kanyang nagagawa. Hanggang sa isang malaking pagkakamali ang nagawa niya—aksidenteng nasabi ni Grel na crush niya si Jigo. Ngayon ay hindi na niya alam kung may mukha pa siyang ihaharap sa binata dahil tiyak na mukha na siyang katawa-tawa sa paningin nito.