“Ang bilis nga kitang sinagot. Hindi man lang ako nakapagpakipot.”
At eighteen, hindi pa na-in love si Elyza. Until she met the man of her dreams—si Atty. Gil Agustin, ang batang-bata at bagong professor sa unibersidad at ang kauna-unahang lalaking nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.
Bilang campus figure dahil sa estado sa buhay at hindi ordinaryong kagandahan, given na na ma-attract din si Gil sa kanya gaya ng halos lahat ng lalaking nakikilala ni Elyza. Kaya nang magparamdam si Gil at nagsabing liligawan siya kapag hindi na siya nito estudyante ay nagsimula na siyang bumuo ng mga pangarap para sa kanilang dalawa. Gil would be the first and last man she would love.
Ngunit bago dumating ang takdang-panahon na pinakahihintay ni Elyza, isang lihim ang sinabi ni Gil dahilan para masaktan ang kanyang puso. Nakipaglapit lang ito sa kanya para magamit sa paghihiganti sa kanyang ama. She felt her world fall apart.
At nang dumating ang panahon na malapit na siyang maka-move on, saka naman muling nagpakita si Gil. Mahal daw siya nito. Isusugal na naman ba niya ang kanyang puso?