Noon, inakala kong kompleto na ang buhay ko. Nang makilala kita, ipinakita mo sa akin na may kulang pala. At ikaw `yon.
Matinding pangangailangan sa pera ang nagtulak kay Diana para tanggapin ang alok ng may-ari ng isang villa na maging tagapag-aliw ng kaibigan nito na taga-Maynilasi Rafaelhabang nagbabakasyon doon.
Inakala ni Diana na magiging impiyerno ang mga araw na makakasama niya ang binata ngunit kabaligtaran ang nangyari. Hindi tinanggap ni Rafael ang serbisyo niyang nakalaan para dito at naging napakabuti ng pakikitungo ng binata sa kanya. Kasabay niyon hindi inasahan ni Diana na ang masasaya at puno ng adventure na pagsasama nila ay hahantong sa isang pag-ibig.
Subalit nakatakda nang ikasal si Rafael sa ibang babae sa pagbabalik nito sa Maynila.