Natagpuan ni Melinda ang bagong produkto na nais niyang inegosyo. Ngunit isang tao lamang ang may hawak ng susi para mapasakamay niya ang recipe niyon: si Max.
Inalok niya ito ng pera ngunit tumanggi ito. Ang kondisyong hinihingi nito sa kanya kapalit ng pagbibigay nito sa kanya ng inaasam niyang recipe ay isang buwang pamamalagi sa farm na tinitirhan nito. At hindi lang siya titira doon kasama nito—pagsisilbihan din daw niya ito!
Nakakapagduda ang kondisyon nito. Gusto lang ba nitong pahirapan siya, o gusto nitong magkaroon ng instant maybahay?