Nakakikilig, nakapagpapalaya, at hahanap-hanapin. Ito ay isang nobelang laging sasagi sa iyong alaala, aalipinin ka, at mananatali sa iyo magpakailanman.
Nang puntahan ng literature student na si Anastasia Steele ang batang negosyanteng si Christian Grey, nakatagpo niya ang isang lalaking guwapo, napakatalino, at nakapangingilag. Dahil hindi makamundo at inosente, nagulat si Ana nang matanto niya na gusto niya ang lalaking ito. At sa kabila ng nakalilitong katahimikan ni Grey, natuklasan niyang desperado siyang mapalapit dito.
Nadaig, sa kabila ng pagpipigil, na maakit sa maamong ganda, talas, at kalakasan ng loob ni Ana, aminado si Grey na gusto niya rin si Anapero sa mga kondisyong itinakda niya.
Nabigla, ngunit nasabik sa di-pangkaraniwang panlasa ni Grey sa tawag ng laman, nag-atubili si Ana.
Para sa mga karangyaang kaakibat ng tagumpayang multinational businesses, ang malawak na sakop ng kanyang kayamanan, mapagmahal na pamilyasi Grey ay isang lalaking pinahihirapan ng takot, galit, isipin, at mga karanasan niya sa buhay at nilalamon ng pangangailangang maging makapangyayari.
Nang magsimula ang dalawa sa isang mapangahas at mapusok na pisikal na relasyon, natuklasan ni Ana ang mga lihim ni Christian Grey at inalam ang sariling mga tagong pagnanasa.