You can never outdo me, my baby, because my only goal in life is to make you happy.
Naomi broke up with Jonas when she saw him kissing his ex-girlfriend. Hindi niya tinanggap ang paliwanag nito at pinaniwalaan niya ang nakita ng kanyang mga mata.
Pero hindi ganoon kadaling naiwasan ni Naomi si Jonas dahil sa mga kaibigan niyang sa binata kumampi. Nang magkaroon ng charity event sa St. Alphonsus University, isang auction kung saan up for bid ang campus hotties at kasali si Jonas, ay na-set up si Naomi ng kanyang mga kaibigan. Nanalo siya sa bidding at napanalunan si Jonas nang wala siyang kaalam-alam!
Isang linggong makakasama niya si Jonas sa Batangas sa ayaw at sa gusto niya. Inisip na lang niyang para sa kawanggawa kaya niya gagawin iyon. Pero may ibang plano pala si Jonas pagdating sa Batangas
Magpapadala kaya sa damdamin niya si Naomi, o maninindigan na isang beses lang siyang puwedeng lokohin ni Jonas at hindi na niya hahayaang maulit pa?