Pareho nilang pinigilan ang mga sarili para sa kung ano-anong dahilan. Pero ngayon… Napakasarap ng pakiramdam na maging malaya. Walang takot. Walang pinagsisisihan. Walang pagdududa o what ifs.
Umalis si Emily sa Ilocos upang takasan ang isang kahihiyan. Nagpunta siya sa apartment ng pinsan niyang si Alex. Pero hindi ang pinsan niya ang natagpuan niya roon kundi isang matangkad, mailap at guwapong lalaki na ang pangalan ay Jude. Mabait si Jude kahit pa mailap ito at tila may itinatagong sekreto. Sa kabila niyon ay nahulog pa rin ang loob niya sa lalaki. Umasa si Emily na mamahalin siya nito. Pero ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya nang palayuin siya ni Jude. Hindi raw ito ang tipo na nagpapakasal. Pero hindi siya susuko. Alam niyang may iba pang dahilan ang lalaki. Aalamin niya iyon kahit pa ang kapalit ay ang tuluyang pagkawasak ng puso niya.