You are special. You can stop doubting your worth, because to me, you are the center of the universe. My world revolves only around you.
Sa unang pagkakataon sa buhay ni Anne Drew ay natuto siyang umibig. Ang tanging mali sa pangyayari ay ang mismong lalaking pinag-alayan niya ng damdaminsi Orion Lawler.
Maliban sa kabilang ang lalaki sa isang mundong malayong- malayo sa kanyang mundo, may isa pang mas malaking bagay na pumipigil kay Anne Drew para mangarap na magkakaroon ng katuparan ang pag-ibig niya kay Orion: He was in love with her dead sister.
Madali lamang sana ang sumuko kung hindi niya araw-araw na nakikita at nagpapakita ng kabutihan sa kanya si Orion. Hanggang sa tuluyan na niyang hindi napigilan ang sarili at ipinagtapat sa binata ang damdamin niya. But the circumstances werent right. And the walls between them remained.
Handa na sanang sumuko si Anne Drew. Gusto na niyang kalimutan si Orion. Subalit hindi pa rin niya napigilan ang sariling tanungin ang binata: Noong sabihin ko sa `yong gusto kita, kahit kaunti ba natuwa ka?
Yes.
Muling nabuhayan ang aandap-andap niyang puso. Subalit kung kailan akala niya ay may pag-asa na siya, saka naman nagpasya si Orion na iwan siya