You moved my heart, my soul, everything in me. And I will be the luckiest man if you will move in with me... forever.
Dazzling had a huge crush on Flip, a family friend and one of the founders of Firm Structure Builders or FSB Inc. Pero disappointing sa kanya na malamang may girlfriend na ang lalaki. Ang mas depressing pa ay nakilala niya ang may-pagkaantipatiko at masungit na kaibigan nitong si Nap na inakalang may plano siyang masama laban sa magandang relasyon ni Flip with his girlfriend. Labis mang naiinis sa mga maling akusasyon ni Nap sa kanya, Dazzling needed to be nice and friendly to him. Siya kasi ang in-assign ng pinapasukang publication company na magsulat ng memoir para sa 80th anniversary ng Sangrande Group, isa sa pinakamalaki at pinakamayamang korporasyon sa bansa, na nagkataong pagmamay-ari pala ng pamilya ni Nap.
Pero kahit alam nila pareho na hate nila ang isat isa, hindi maintindihan ni Dazzling kung bakit kapag nakikita at nakakasama niya si Nap ay naaakit siya sa karisma at pagiging mysterious ng dating nito. At isang gabing nalasing siya ay hindi niya napigilang magtapat ng damdamin sa binata...