In case you find someone who will sweep you off your feet, just tell me. I will drag him away from you. Ako, hindi lang kita wawalisin, dadakutin pa kita at ipapasok sa bulsa ko at ikakandado para hindi ka na maagaw ng iba.
Dahil sa isang sitwasyon ay nakipagkasundo si Roniece sa kanyang boss na si Kyle, isa sa mga may-ari ng FSB Inc., na magpanggap silang may relasyon. Mabilis na pumayag si Kyle dahil sadya itong mabait at matulungin. Okay na sana ang lahat dahil pumayag pa ang binata na magpanggap na hindi lang basta boyfriend, kundi fianc pa nga niya. Kaso, hindi niya inakalang matatauhan siya isang araw, at hihiling sa langit na sana ay totohanin na nila ni Kyle ang kanilang kunwa-kunwariang sweetness.
Roniece found herself falling in love with Kyle, her long-time boss who never saw her anything more than an efficient right-hand man and assistant. At nang aminin sa sarili ni Roniece na ayaw na niyang maging isang arrangement at deal lang ang lahat, natuklasan naman niya na hindi kayang ibigay ni Kyle ang gusto niyang mangyari. Sapagkat may ibang babae nang matagal na itinatangi si Kyle sa puso nito at ginagawa lang pala siyang panakip-butas...