Ganon talaga siguro kapag nagmamahal. Makikita mo ang hindi nakikita ng iba sa taong mahal mo. At kahit pa nga hindi iyon gusto ng iba, para sa`yo, dahil nagmamahal ka, iyon ay walang kapantay.
Sa dalawang beses na pagtatagpo nina Faith at Abelard ay hindi naging maganda ang impresyon ni Faith sa lalaki. Binunggo na nga siya, ito pa ang nagalit. Nang iligtas naman niya sa isang holdupper, sa halip na pasalamatan ay sinabihan pa siyang bayolente.
Pero nagkaayos din sila nang malaman ni Faith na planado pala ng taong nagtatangka sa buhay ni Abelard ang pangho-holdup sa lalaki. Laking gulat din ni Faith nang alukin siya ni Abelard para maging bodyguard nito.
Tinanggihan ni Faith ang alok.
Lumipas ang isang linggo, inakala ni Faith na kinalimutan na siya ni Abelard. Inisip niyang gimmick lang ang pagkuha sa kanya bilang bodyguard. Kaya hindi niya inaasahan nang biglang sumulpot ang lalaki sa bahay niya at niyaya pa siyang mamasyal. At nang aksidenteng magkadikit ang kanilang mga katawan ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Waring sinasabing nangulila iyon sa binata. Lalo pang naguluhan si Faith nang umamin si Abelard na may lihim na pagtingin sa kanya.
Naging mabilis ang mga pangyayari. Kasimbilis ng realisasyong estranghero pa rin si Abelard at may mga taong hindi papayag na maikasal sila