Brilliant idea ng mga taong nakapaligid kina Chona at Airol na magsama sila sa pagbabakasyon. Pareho silang brokenhearted nito kaya mas makabubuti raw kung sabay na aaliwin nila ang mga sarili para makalimot.
They got off to a bumpy start but somewhere along the way, things started to go well. Nagkasundo pa sila na tutulungan ang isa’t isa na huwg magpadala sa panghihimok ng respective exes nila kung sakaling subukan ng mga iyon na makipagbalikan sa kanila.
Pero kung kailan maayos na sana ang lahat ay saka kumalas sa kasunduan si Airol. Mukhang hindi nito nakayang tiisin ang ex-girlfriend nito na nakikipagbalikan dito. Ang masaklap pa, nangyari iyon sa puntong natuklasan na niyang mahal na niya ito.
Solo flight at brokenhearted na naman tuloy ang drama niya.