Ang happy ending, hindi nadadaan sa pangako. Pinagtatrabahuhan `yan. Pagod, puyat at puso ang puhunan.
Pangarap ni Evita at ng namayapa niyang ama ang maging ganap siyang guro. Kaya naman para na rin siyang nakaapak sa langit at nakikipagkamay sa tatay niya nang matanggap siya sa Puerto Real Academy bilang Science teacher. Masaya na sana si Evita hanggang sa dumating ang sugo ng kadiliman na si Angelomatangkad, mabalahibo, at walang-modona sa una pa lang na pagkikita nila ay pinagkamalan na siya na masamang-tao.
Hindi niya feel si Angelo kahit pa isa itong respetadong guro at may sandamakmak na international awards. Plano niyang iwasan at dead-mahin ang presensiya nito. Pero may weird na nangyarinapanaginipan niya bigla si Angelo! At hindi lang iyon isang simpleng dream, kundi isang wild, passionate, and erotic dream!
Ipinagkanulo pa yata si Evita ng pagkakataon dahil siya ang inatasang maging assistant coach sa research team kung saan head coach ang supladong monster. Madalas tuloy silang nagkakasama hanggang mamalayan na lang ni Evita na nag-e-enjoy na kasama ang lalaki, pati ang hindi inaasahang mga hot and wild kisses na kanilang pinagsasaluhan. Naging makatotohanan din ang kanyang erotic dream at wala man label ang naging ugnayan nila ni Angelo ay tinanggap iyon ng dalaga.
Minahal agad ni Evita si Angelo sa kabila ng pagiging mailap at kakaibang pag-uugali nito. Pero nang malaman niya ang isang matagal nang lihim ng binata mula sa nakaraan, labis siyang nasaktan at pinili ang lumayo