"Go ahead, Vanessa, just go on with love. If it is yours, makukuha mo iyon. Kung hindi, be grateful that somehow, love captured your heart."
Nakatakda nang ikasal si Jake sa best friend niyang si Marilyn nang makilala ni Vanessa ang lalaki.
It was love at first sight, isang pag-ibig na kailangang manatiling lihim.
Hindi niya inasahan ang minsa'y lapitan siya ni Marilyn at himuking siya ang pumalit sa puwesto nito bilang mapapangasawa ni Jake sa pamamagitan ng isang tusong balakin.
It was a once-in-a-lifetime chance. At kung gagawin niya iyon, posibleng makuha niya ang pagtingin ng lalaki...
Ngunit posible ring kamuhian siya nito habang-panahon...