Ganyan ka ba palagi inaakit mo ako tuwing magkasama tayo?
Excuse me, but have we met?tanong ni Rafael.
Isang suntok ang isinagot ni Dianne. Iyon lang ang nararapat na gawin kay Rafaelkahit nagdadalang-tao pa siya.
How could she have been so stupid? Nang dumating kasi si Rafael Gomez sa isla upang tingnan ang lupang ibinebenta niya ay parang nakatadhana na sila sa isat isa. Napakaguwapo nito, lalo na sa suot na business suits at mamahaling sapatos kaya agad na nahulog ang loob ni Dianne sa lalaki. Nagkasundo sila na ibebenta lang niya ang isla kung hindi iyon ide-develop para gawing bakasyunan ng mga walang magawang mayayaman. Apat na linggo na araw-araw silang magkasama. Pagkatapos ay naglaho ito pagkatapos niyang pirmahan ang kontrata sa pagbebenta sa isla.
At ngayon, pagkatapos ng apat na buwan, idadahilan ni Rafael na naaksidente ito at may selective amnesia? Kayang tanggapin ni Dianne kung sakaling hindi nga na-in love si Rafael sa kanya ngunit hindi niya palalampasin ang kasinungalingan at pagpapanggap nitong hindi siya naaalala.
May solusyong naisip si Rafael. Kung totoo raw lahat ng sinabi niya, kailangan nilang bumalik sa isla kung saan sila unang nagkakilala. They will relive the unforgettable nights in question hanggang maalala nito ang lahat.
Paano kung hindi?