"I know that you must be feeling something for me, too... I believe it. My heart believes it..." Minsan nang natanso at nasaktan si Karina ng isang lalaking inakala niyang Prince Charming niya. Mula noon ay nawalan na siya ng gana sa mga lalaki at nakontento na lamang sa mga perpektong hero na nililikha niya sa mga isinusulat niyang nobela. Pero isang araw ay ginulo ni Colby ang tahimik niyang buhay. Guwapo sana ito pero napaka-conceited at sobrang nakakainis. Ang lakas din ng loob nitong mag-demand na tulungan niya itong pigilan ang plano ng mama niya sa pamba-blackmail diumano sa papa nito. Tinanggihan ni Karina si Colby. She told herself that she couldn't stand being with him. Pero ang totoo ay nararamdaman kasi niya na ang puso naman niya ang malalagay sa kapahamakan sa sandaling magkalapit sila ni Colby.