Huwag mo akong utusan na layuan kita dahil imposible na sa aking gawin `yon, lalo pa ngayong hinayaan kitang kontrolin ang buong pusot kaluluwa ko.
Isang insidente ang naging dahilan ng pagka-comatose ni Eden. At nang magising siya, lahat ay nakilala niya maliban sa lalaking ipinakilala ng kuya niya na kanyang nobyo. Upang tuluyang manumbalik ang kanyang buong alaala, ipinayo ng doktor niyang dalhin siya sa mga lugar na makakatulong upang ma-relax siya at maaaring makapagpanumbalik sa kanyang nawawalang memorya. Isa sa unang lugar na dapat daw niyang balikan ang El Diablo Paraizo, ang lugar kung saan daw sila unang nagkakilala nito.
Kahit hindi ito matandaan ng kanyang utak, buong puso naman niya ang naghuhumiyaw na kilalang-kilala at minamahal niya ito. Kaya kahit sa maikling panahong pagsasama nila roon, laking tuwa niya nang mapagpasyahan nilang dalawa na magpakasal na pagbalik nila sa Maynila. Ngunit sa kanyang malaking pagkadismaya, hindi ito sumipot sa mismong araw ng kanilang kasal. Saka niya natuklasan ang malaking kasinungalingan nito na nagdulot sa kanya ng matinding kabiguan at kalungkutan