I was pretending to be happy and in love with someone else when all this time, ikaw ang hinahanap ko.
Nag-iisa na si Bria sa buhay. At sa loob ng maraming taon ay kinupkop at sinuportahan siya ni Vernon na nagpakilalang pinsan niya. Nang maging maayos na ang buhay niya ay saka ipinagtapat ni Vernon na may kinalaman ito sa pagkamatay ng kanyang ina. Pagkatapos niyon ay nagpakalayo-layo na ito.
Dahil sa nalaman ni Bria, sumumpa siya na maghihiganti. Ang mapahamak si Vernon ang hiningi niya kay Collumn na kapalit ng pagsali niya bilang bassist ng Drumbeats. Madali namang nai-set up ni Collumn si Vernon para makulong ito at maparusahan sa isang krimen.
Dapat ay masaya na siya. Nakapaghiganti na siya. Pero hindi niya magawang magdiwang. Sa pagkakapahamak kasi ni Vernon ay saka niya natuklasang matagal na pala niyang iniibig ito. Ang galit pala niya rito ay hindi dahil sa naging parte nito sa kamatayan ng kanyang ina kundi bunsod ng pang-iiwan nito sa kanya