Naging isang recluse si Forrest Mezzo pagkatapos siyang pagtaksilan ng unang babaeng inibig niya. Tinakasan niya ang mundo at tinalikuran ang very successful career niya bilang isang songwriter. Ngunit para sa Drumbeats, tanging siya ang makakalikha ng mga awiting aakma sa musika ng mga ito. Sa kagustuhan niya na mapanatili ang kanyang katahi- mikan at patuloy na makapagtago, isang napakaimposibleng bagay ang hiniling niya mula kay Collumn, ang manager ng Drumbeats. Susulat lang siya ng kanta para sa naturang banda kung maihahanap siya ni Collumn ng babaeng mamahalin niya at magmamahal din sa kanya nang totoo. Huli na nang ma-realize niya na walang imposible kay Collumn. Dahil ang babaeng natagpuan nito para sa kanya ay hindi niya magawang tanggihan!