I lied when I told you I dont love you. Dahil ang totoo, mahal kita.
Bahagi ng tradisyon ng pamilya Muller na ang panganay na anak na lalaki ng bawat henerasyon ay kukuha ng isang virgin wife mula sa isla ng Vatika. Naniniwala kasi sila na nagdadala iyon ng suwerte sa buong angkan. Labag man sa kanyang kalooban ay tinanggap ni Regent ang kanyang kapalaran.
Ngunit ang babaeng pinili ng kanyang pamilya na mapapangasawa niyasi Kythiraay tumakas.
Ngayon lang nangyari na tinakbuhan ng bride nito ang isang Muller. Malaking sampal iyon sa kakayahan at pagkalalaki ni Regent. Sumumpa siyang gagamitin ang lahat ng koneksiyon at kayamanan ng kanyang pamilya para matagpuan si Kythira.
Oras na matagpuan niya ito ay paiibigin niya ito