You told me to find my happiness. Well, I found it already. I found you. I found that happiness in you.
Nagsimula ang galit ni Jenna kay Dex Peralta nang paglaruan siya ng lalaki nang dahil sa isang interview na kailangan niyang makuha rito para sa kanilang campus paper. He was tagged as the campus king. He was their universitys varsity team captain and the most infamous bad boy and campus heartthrob at the same time.
Ayaw magpa-interview ni Dex kay Jenna. Kaya kinailangan pang umisip ng dalaga ng gimik para paunlakan siya ni Dex sa isang interview. Kinailangan pa niyang ibahin ang kanyang pagkatao para lang pansinin siya ng lalaki. Ngunit tila iyon pa ang naging ugat para lalo siyang mapaglaruan ni Dex.
Fast forward to present time. Jenna was now a media person. At tila naulit ang sitwasyon. Sa pagbabalik ni Dex sa basketball scene ay kailangan uli itong hingan ni Jenna ng interviews. But she had learned her lessons. Sa pagkakataong iyon, hindi na niya hahayaang mapaglaruang muli ni Dex ang kanyang puso.