Hindi natin puwedeng piliin ang taong mamahalin natin, pero puwede nating piliin kung mananatili tayong magmamahal sa taong `yon.
Laking tuwa ni Melina nang nakilala na niya sa personal ang lalaking ayon sa kanyang panaginip ay nakatadhanang mapapangasawa raw niya. At bakit naman siya hindi matutuwa? Guwapo, edukado at mabait si Dixon. What more could she ask? Napakasuwerte niya!
Kasalukuyang nagkakamabutihan na sila ni Dixon nang umeksena si Duncan, ang identical twin nito na unang kita pa lamang ni Melina ay imbiyerna na agad siya. Kasi ba naman, nakasuot ang binata ng T-shirt na hapit sa katawan at may nakasulat pang FREE TASTE.
Oh, how she hated his guts! Lagi pang nagpapapansin si Duncan at ginawa na yatang hobby ang pag-display ng abs sa kanya.
`Kaso, pinaglaruan yata ng tadhana si Melina dahil nagtagpong muli si Dixon at ang first love nito. Saka niya naisip: hindi kaya si Duncan ang nakita niya sa kanyang panaginip at hindi si Dixon?
Ang mayabang, palikero, balahura at malanding lalaking iyon ang mapapangasawa niya? Oh, no! Anong kamalasan ito?!