"Magpapapansin ako sa iyo, mangungulit, magpapa-cute. Kung Hindi pa rin tumalab ang mga da moves na yan, then I will launch my last option, my secret weapon. I will seduce you with my irresistible body."
Malaga! nang kinalimutan ni Amber ang childhood crush na si Kenobi Celeste na nag-reject sa kanya noon. Kaya nagulat siya nang ito ang nakita sa panaginip na siyang mapapangasawa raw niya. Ang supladong mukhang palakang bukid na iyon? No way!
Hindi sineryoso ni Amber ang panaginip, kahit pa mala-erotica ang mga eksena nila roon ni Ken. Ngunit muling nagkrus ang mga landas nila ng binata. Paanong ang mukhang malnourished na palakang bukid noon ay isa nang napakaguwapo at machong lalaki ngayon? Did a princess kiss him to transform him into a gorgeous, hottie prince?
All of a sudden, Amber found herself falling for Ken again. And this time, she was falling harder. Kung ito ba naman ang nakatakda raw na mapapangasawa niya, then fine!
Ngunit may problema: suplado pa rin si Ken sa kanya at patuloy siyang iniiwasan. Nanganganib yatang hindi matupad ang sinasabi ng panaginip! But what Amber wants. Amber gets. Gagawin niya ang lahat upang magkalapit sila ni Ken, kesehodang magsinungaling siya sa lalaki...