Hindi pa man personal na nakikilala ni Krisia si Marco ay infatuated na siya rito. Pinsan ito ng isa sa mga best friends niya at mabanggit lang ang pangalan nito, bumibilis na ang tibok ng puso niya.
Pero sino ba naman ang hindi maa-attract kay Marco? Bukod sa good looks, best-selling author din ito sa ibang bansa. Isa pa, kahawig ito ni Clark Kent.
Nang sa wakas ay pormal silang magkakilala, halos maumid ang dila niya. Ganoon katindi ang epekto nito sa kanya kahit ngumiti lang ito. Tila nagkaroon ng mukha ang dream man na nai-imagine lang niya dati. At habang nakikilala nila ang isat isa, lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito.
But he was older, wiser, and more mature. Sanay ito sa kalakaran ng buhay sa ibang bansa, lalo na sa mga babaeng sopistikada. Samantalang siya ay sanay sa simpleng buhay at medyo konserbatibo ang mga pananaw.
Mananatili na nga lang yatang pangarap para sa kanya ang isang tulad nito