Walang dahilan, walang patakaran, basta lang mahal kita. Satisfied?
Kahit kunsumido si Tammie sa mapang-alaskang si Joshua, sa utos ng daddy ng dalaga ay napilitan siyang alagaan ang binata nang ito ay magkasakit. Nagpasalamat si Joshua dahil pinainom niya ito ng gamot, inasikaso, at ipinagluto pa.
Bonus points iyon para kapag nanligaw ka sa akin, mataas ang chance na sasagutin kita, pang-aasar pa nito.
Lalong umusok ang bumbunan ni Tammie. Hindi lang pala ito mapambuska, conceited din. Kahit guwapo at malakas ang sex appeal ni Joshua, hinding-hindi niya maiisip man lang na siyang babae pa ang manliligaw dito.
Ngunit may kakampi yatang propeta o mangkukulam ang bruho. Dahil dumating nga ang araw na niligawan niya ito, with matching long-stemmed roses and imported chocolates. Dismayado nga lang siya dahil tuwing aakyat siya ng ligaw ay nakakahanap ito ng paraan para takasan siya.
Pasaway talaga! Parang matimtimang birhen kung umasta!