If theres one thing she was sure of, is that she wanted him even just for a night. Tama na iyon para sa kanya.
Isang hiling ng isang taong nag-aagaw-buhay ang dahilan kung bakit kinailangang bumalik ni Dessie sa Pilipinas. Kailangan niyang hanapin ang taong minsang minahal ng kanyang tiyahin para ibalik ang isang bagay na pag-aari ng taong iyon.
Ang misyon ni Dessie ay hindi madali, lalo pa at wala siyang ideya kung saan siya magsisimulang maghanap. Para magawa iyon, kakailanganin niya ang tulong ni Luis, ang lalaking minsan na niyang minahal ngunit iniwan.
Handa naman siyang tulungan ni Luis. Ngunit hindi inakala ni Dessie na sa muling pagtatagpo nila ay pagdaraanan niya ang isang pagsubok na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.
Hindi niya inakalang mabubuhay ang dating pagmamahal niya para kay Luis...