Youre my strength, my food, my air. Youre my honey, my baby, my love. To sum it all up, you are my life."
Gwen was an ultimate party girl. Kabaligtaran siya ni Bryan, who was responsible and very straight. Nang manligaw sa kanya ang lalaki, tinawanan lamang niya si Bryan at kaagad na binara.
Ngunit natagpuan ni Gwen ang sariling ikinakasal kay Bryan dahil aksidenteng may nangyari sa kanila nang malasing siya. Sa bawat araw na kasama ni Gwen si Bryan sa iisang bubong, nagawa nitong pagtiisan ang kanyang mga tantrums.
Alam ni Gwen, may umuusbong na ring pag-ibig sa kanya para sa asawa. Ngunit naaksidente siya at hindi na niya maalala ang lahat. At dahil sinabi sa kanya na asawa raw niya si Bryan, ipinagpalagay niya na in love sila sa isat isa.
At iyon ang problema, dahil napansin ni Gwen na asiwa si Bryan at tila hindi malaman kung paano magre-react sa mga paglalambing niya.
Paano kung bumalik na ang alaala niya? Masabi pa kaya ni Gwen kay Bryan na mahal niya ito?