“Huwag mo akong tanungin kung ano ang gusto ko. Baka madulas ako at ‘ikaw’ ang masabi ko.”
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos din ng biyaya kay Tini. Nakilala kasi niya ang lalaking ibig niyang makasama sa marami pang pag-ulan na darating sa buhay niya—Si Trunx Lyxiel Arevalo. Pero hindi yata mutual ang feelings nila, dahil tuwing lalapitan niya ang lalaki, lumalayo ito sa kanya.
Mabuti na lang at may grasya pa ring hatid ang ulan sa kanya. Bigla-bigla kasi siyang nagkaroon ng secret admirer at inuulan siya ng love letters!
“Dear Tini, I’m not really what you would call a romantic person. So, writing this love letter for you is hard for me. But loving you is easy. Yours truly.”
Dahil sa sweet nothings na iyon at iba pa, ibig hamunin ni Tini si Rapunzel ng pahabaan ng hair! Pero nang nakapagdesisyon na si “Mysterious Guy” na makipag-eyeball sa kanya, bakit si Trunx ang nag-appearing act sa tagpuan nila?
Hindi tuloy niya mapigilang manginig sa kilig. Pati cuticles niya, nayanig.
Ibig niyang bumirit ng kantang pinasikat ni Regine.
“Buhos pa ulan aking mundo’y lunuring tuluyan…”