For me, you are a goddess of all beautiful things. A female divinity. You came into my world to make me happy, to make me appreciate what I already have. You are someone who must be kept in my heart if possible, forever.
Si Shiena Dalisayteacher na, negosyante pa. Kaya naman nang muntik na siyang masagasaan ng guwapong si Anthony, nauwi ang demandahan sa pagbebenta niya rito ng damit, cosmetics, accessories, at kung ano-ano pang klase ng insurance.
Ang mokong at nagpauto naman. Bumili na ito ng dose-dosenang RTWs, kumuha rin ng insurance. Ngunit ang hindi inaasahan ni Shiena, pati ang kanyang puso ay ibig nitong bilhin.
Siyempre pa, hindi siya pumayag. Pero bakit ganoon, pumapayag siyang basta na lamang mahalikan ni Anthony?
Nagdesisyon siyang tigilan na ang lahat. Alam ni Shiena na masasaktan lamang siya dahil unang-una, magkaiba sila ng mundong ginagalawan.
Ngunit nang di-sinasadyang muli silang magkita, noon din ay parang gusto na niya itong yakapin. She wanted to feel his warm kisses again. Pero mukhang wala nang balak si Anthony na yakapin man lang siya