“You gave new meaning to my life and you came at a time when everything seemed dark and dreary. You chased away the shadows and gave my heart a home…”
Mula nang mamatay sa isang aksidente si Julius ay pinili nang ibuhos ni Lara ang buong atensiyon niya sa kanyang trabaho. Maganda naman ang naging bunga niyon dahil umani siya ng maraming parangal. Kontento na sana siya sa ganoong estado pero dumating sa buhay niya si Rob at binulabog nito ang puso niyang inakala niyang nawalan na ng kakayahang magmahal.
May pinagdaraanan din ang lalaki at dahil siguro doon kaya naging mas madali para sa kanya na makaramdam ng koneksiyon dito. Hindi man niya sinadya ay natuklasan niyang natutuwa siyang makasama ito?tuwang napunta sa isang mas malalim pang emosyon.
Sa pagkakasama nila ni Rob ay naunawaan na niya ang ipinagsisiksikan sa kukote niya ng mga nagmamahal na sa kanya. Na hindi por que nawala si Julius ay kailangan nang tumigil sa pag-inog ang mundo niya.
But just when Lara was ready to love again, she discovered something about Rob. Iyon din ang naging daan para mawala ito sa kanya.