Bata pa si Kylie ay in love na siya kay Rix, ang best friend ng kuya niya. Ang problema, kid sister lang ang turing nito sa kanya.
Nang maging ganap na siyang dalaga at active spearheader ng Sophia Aragon Charities—ang charitable organization na itinatag ng kanyang mama—ay naging head naman ito ng kanyang security detail. Isang gabing na-stranded sila sa isang misyon sa Sierra Madre ay may nangyari sa kanila.
Ang akala niya, ang pangyayaring iyon ay magiging daan para magkalapit ang mga damdamin nila. Ngunit sa halip na mangyari ang matagal na niyang pinapangarap ay iniwasan pa siya nito.
Two years later, he was back in her life. Sa pagkikita at pagkakasama uli nila ay may natuklasan siya. Taliwas sa inaakala niya, hindi nito nakalimutan ang gabing may nangyari sa kanila. Aminado itong isang struggle para dito na bigyan siya ng proteksiyon mula sa sarili nito.
Enjoy na enjoy naman siyang pahirapan ito…