`Wag mo `kong paasahin`Wag mo `kong turuan na pangarapin ka.
Mahilig mangarap nang gising si Tippy pero nang muli silang magkita at magkasama ng dating kaibigang si Jerry, she could not daydream anymore. Kahibangan lang namang ilusyunin ang lalaking alam niyang hindi naman magkakagusto sa kanya, ni sa panaginip.
Kasi naman, bukod sa maganda ang ex-wife ni Jerry, napakabait din. At dahil sa kaisa-isang anak, muling nagsama sa iisang bubong ang dalawa. Happy couple.
Saan siya lulugar doon?
Ah, doon na lang siya sa sulok niyang takda kahit nag-iisa Sana lang, hindi siya hinalikan ni Jerry.