Shopping Cart

You save ₱0.00 on this order.
Total

₱0.00

Checkout
Category
David Of New York Meets Esang Ng Tondo
E-book

David Of New York Meets Esang Ng Tondo

by: Ivanah Del Fierro

₱45.00
Category: Precious Hearts Romances
Weight: grams
Texture:
Quantity:
Size:
Weight: grams
Texture:

Kilala si Esang bilang “Diskarte Queen” at siga sa lugar nila sa Tondo. Walang nagtatangkang bumangga sa kanya. Pero sa kabila ng katigasan na ipinapakita sa ibang tao, pusong-mamon siya pagdating sa sariling pamilya. Handa siyang gawin ang lahat para sa kanyang ina at kapatid para mabigyan ang mga ito ng magandang buhay.
At nang kailanganin ng perang pampaopera sa kanyang ina ay inalok siya ng trabaho ni David Ferrer, isang lalaking guwapo, refined, gentleman, at mayaman. Minsan na niyang iniligtas ang buhay ni David. He was willing to pay for her mother’s operation on top of a very generous salary. Simple lang naman ang kailangan niyang gawin: samahan si David na umuwi sa Vigan bilang “girlfriend” nito para maitaboy ang ex-girlfriend na ikakasal na pero naghahabol pa rin dito.
Sa totoo lang, napakadaling magpanggap na mahal niya si David kaya todo-bigay si Esang sa role na ginagampanan. Hanggang isang araw, namalayan na lang ni Esang, na-develop na pala siya kay David nang hindi man lang niya napapansin.
Pero kasinlayo ng distansiya ng mga pinanggalingan nilang lugar ang agwat nila sa buhay; mula sa New York si David samantalang siya ay laking-Tondo. Paanong ang isang almost perfect na lalaki ay magkakagusto sa tulad niyang haragan?
Ang problema, sa bawat tingin at hawak pa lang ng binata ay nabubuhay ang malaking pag-asa sa puso ni Esang. Totoo ba ang nakikita niyang pagmamahal sa mga mata ni David, o magaling lang din talaga itong umarte?

    There are no ratings for this product yet.

Related Products

Download our new eBooklat App

Experience our new app and subscribe.

ImageImageImage
Image
Image