“You stole my heart the moment I met you.”
Sanay na si Myrna sa kasungitan ni Vincent. Unang pagkikita pa lang nilang dalawa ay hindi na maganda ang impresyon nito sa kanya. They were poles apart. Tahimik ito, samantalang madaldal siya. Lagi itong nakasimangot at seryoso, samantalang bungisngis at lagi siyang nakangiti.
Ngunit sa kabila ng mga pagkakaiba nila, sensitibo sila sa pangangailangan ng bawat isa. Hanggang sa namalayan na lang ni Myrna na hindi pala siya immuned sa mga titig at pagiging seryoso nito. Mas may appeal pala sa kanya ang ganoong klase ng lalaki. Pero nalaman niya na may babae na palang nagmamay-ari sa puso ni Vincent, isang babaeng kabaligtaran niya—tall, sweet, feminine, and a ballerina. Samantalang siya ay hindi aabot sa average height ng isang Filipina kung hindi siya magha-high heels. She was not sweet and not so feminine. At higit sa lahat, waltz lang ang kaya niyang sayawin.
Puwede kayang magkatotoo sa kanila ni Vincent ang kasabihang “opposite poles attract”?