"Tumingin ka sa'kin at diretsang sabihing hindi mo na ako mahal. Kapag nagawa mo yon ay aalis na ko nang walang alingasngas."
Na-involve sa dalawang lalaki si Leyna. Una ay kay Jeff, ang anak ng may-ari ng kompanyang pinapasukan niya. Dito niya natikman ang tamis ng unang yakap at halik.
Ngunit may mga puwersang naghiwalay sa kanila...
Saka naman niya nakilala si Miguel, ang lalaking umaruga sa kanya sa panahanon ng kagipitan, ang lalaking nagpatuloy sa pagmamahal na dapat sana'y ibinibigay ni Jeff. Unti-unti'y nahulog ang loob niya kay Miguel. Tila mas matamis, mas mainit ang mga yakap na kaya nilong ibigay sa kanya...
At kung kailan handa na siyang magmahal muli, saka naman muling lumitaw si Jeff, binabawi siya, pilit dinurugtungan ang kanilang kahapon.
Naipit si Leyna sa pagitan ng dalawang pag-ibig. Kasabay pa niyon ng pagkasiwalat ng isang lihim na nag-uugnay sa kanilang tatlo sa isang mapanganib na sapot ng pandaraya at panlilinlang.
Isang lihim na nag-aalis sa kanya ng karapatang magmahal...