Why dont you try me? Come to my house and stay there for good. Ill pamper you with love.
Secret agent ang beauty ni Dimples nang mapag-utusan siyang hanapin ang nawawalang pinsan.
Hindi naman siya nahirapan dahil unang kita pa lamang ni Dimples sa batang si Arvinn ay may kutob na siyang ito nga ang kanyang pinsan.
Ang problema, nasa pagkakalinga na ito ng guwapo ngunit super-suplado na si Erwin.
Ilang beses itong sinubukang kausapin ni Dimples ngunit hindi niya ito makumbinsi at pilit nitong itinatanggi ang katauhan ni Arvinn.
Dont tell me na ang katawan ko ang gusto mong kapalit? bigla niyang nasabi.
Why not? tila nanghahamon namang sagot ni Erwin.
Iyon lamang at sinampal niya ito.
Pero bakit isang gabi ay nasumpungan na lamang ni Dimples ang sarili na nasa mga bisig na ni Erwin at tinutugon din ang mga yakap at halik nito?