Kailanmay hindi maliligaw ang puso Wala man itong mga matang hanapin ang daan, ibubulong nito ang landas upang matagpuan ang minamahal
Kapiling na niya ang buong pamilya pero hungkag pa rin ang pakiramdam ni Alexia. Nami-miss niya ang Pilipinas at higit sa lahat, si Cris. Napaiyak siya. Baka sa mga sandaling iyon ay nagpapakaligaya ito sa piling ni Trixie.
I intend to love you, not to make you cry, anang pamilyar na boses. Iisa lang ang nagsabi sa kanya ng mga katagang iyon.
Anong ginagawa ng lalaking ito rito sa Texas?
Tinakasan niya ito nang ibando ni Trixie sa buong sulok ng showbiz sa Pilipinas na ka-live-in nito ang guwapong binata, na nakilala niyat inibig bilang si Cris Torres at hindi ang public image nitong si Lance Anderson, ang movie actor.
Kung anumang pagpapaliwanag ang gagawin nito ngayon sa kanya, iisa ang tiyak niya: natagpuan na nito ang daan patungo sa puso niya