I wont fall for anyone else. Sigurado ako doon. Because I was and always been in love with you.
College buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dahil hindi naniniwala si Clint sa pag-ibig. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang sabihin ni Clint na handa na ang binata na sumubok sa larangan ng pag-ibig. At gusto pa ni Clint na tulungan niya itong ligawan ang babaeng gusto ni Clint! Hay, kung magbiro nga naman ang tadhana!
Para hindi na lang masaktan si Elise, pinili niyang umiwas na lang dito. Doon naputol ang ugnayan nila.
Ngayon, pagkalipas ng maraming taon ay bigla na lang sumulpot si Clint sa gabi ng birthday ni Elise, telling her na ito ang secret admirer na nagpapadala sa kanya ng paborito niyang blue roses na may kasamang sweet quotes.
She realized he still had the same effect on her. Ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Sa pagkakataong iyon, matutupad na kaya ang matagal na niyang pangarap na mahalin din siya ng binata?