May kalakip na pagsusugal ang pag-ibig. Ang ibigay ang sarili nang walang hinihinging kapalit.
Sa tuwina ay kontrolado ni Ruby ang sitwasyon at sariling damdamin tuwing nakikipagrelasyon siya. Kaya nang makilala niya ang arogante ngunit napakaguwapong si Callum at magkasundo sila sa isang weekend affair, malaki ang paniniwala ni Ruby na kaya niyang pakitunguhan ang init at kuryosidad na namamagitan sa kanila.
Pero nagkamali si Ruby dahil nang magkasama na sila ni Callum, nawalan na siya ng kontrol sa sariling damdamin at nasira maging ang dati niyang pinaniniwalaan tungkol sa pag-ibig. Ilang taon kasi siyang nakipaglaro sa pag-ibig, iniisip na masyado siyang matalino para mapasok sa sitwasyong hindi niya kayang lusutan.
Ngunit ngayong handa na siyang magmahal nang totoo, doon pa siya na-in love sa tulad ni Callum na walang ibang gusto kundi maikling affair at init ng katawan.