Pinakiusapan si Ben ng kanyang best friend na mag-substitute na male stripper para sa bridal shower ng fiancée nito. Napa-paranoid kasi ang kaibigan niya sa safety ng bride nito. Nagi-guilty naman si Ben na tumanggi kaya pumayag na siya. Iyon ba ang nangyayari kapag nai-in love ang isang lalaki? Nagiging psychotic? So he promised himself he would never fall hard for a woman.
Pero nang makita ni Ben ang isa sa mga kaibigan ng bride—si Maria, automatic na gumana ang instinct niya na makipag-flirt.
He found Maria beautiful and he was sexually attracted to her. Pero nang makasama niya ang babae nang isang linggo, na-realize niya na nagustuhan niya ito hindi lang para maikama. What he felt every time he thought of her was something tender… and warm.
Could it be love?
I’m not in love! I don’t love her. Of course not.